Monday, February 7

sinungaling!

BABALA
hindi ito para sa lahat. sa mga tatamaan lang.

Oh, Xerxes! Sabi ko na nga ba't tripper ka din gaya ko, pare-chong-tol-dude-man! 


hindi naman talaga ganyan kakinis ang kutis mo, photoshop lang yan! Hindi naman talaga ganyan kalaki ang titi mo, piniktyuran mo lang ng malapitan. Hindi ka naman talaga magaling mag ingles, alam mo lang kung anong purpose ng shift f7. Hindi ka naman talaga bisexual gaya ng pagma-market mo sa sarili mo, bakla ka talaga, bakla ka! at hindi naman ka naman talaga taga-Makati o Bonifacio o kung saan pang lugar na mataas ang halaga ng pamumuhay, dun ka sa may malapit lang, within 5-kilometer radius. At wala naman talangang poser na nanggagaya, istilo mo lang yan para kunyari gwapo ka at inaangkin ang pagmumukha mo.

ikaw na ang echos!

matagal na rin ako sa sirkulasyon. hindi ako expert pero hindi din naman ako batang mumong. natuto na rin ako ng mga kasinungalingan ng mga tao sa mga social networking sites lalo na yung nagke-cater  sa mga taong katulad ko. at oo, maraming sinungaling. maraming marami!

hindi naman kailangan maging matalino para ma-figure out kung bakit nagsisinungaling ang marami sa mga profile nila: para tumaas ang market value. Shempre naman, mas mataas ang value, mas maraming maghahabol sayo. mga masahista ng ego mo.

madali naman magsinungaling. sus! bata pa ako, nagsisinungaling na ako sa nanay ko. nakatingin pa ako sa mata! eh ano pa kaya kung online lang? kung saan walang tumitingin sa mata mo?

tsk tsk tsk.

hindi ka ba naaawa sa sarili mo? parang pinapababa mo ang pagkatao mo sa ginagawa mo, ah! hindi ba sapat sayo kung ano ka? akala mo lang mabenta ka ngayon pero hiya ka naman makipag-date. o kung makapalan mo man ang mukha mo at makipag-kita ka, hindi ka ba naaawa sa taong ka-meet mo? na naghahanap ng masarap na putahe tapos bibigyan mo ng kaning baboy?

tsk tsk tsk.

ano ba naman kung maghanap ka ng best picture mo na hindi photoshop? siguro naman meron kahit isa. pano kung hindi ka na lang magpakita ng titi? In the first place, nakakapagpababa ng pagkatao yun. kung magtagalog ka na lang sa profile mo? kaysa mapahiya ka pa sa pag-gamit ng mga salitang hindi mo naman talaga alam ang ibig sabihin. sabihin mo na rin kaya na taga doon ka sa kung saan ka talaga. malay mo, yung kapitbahay palang sinisilipan mong maligo eh nasa parehong site din at naghahanap lang byArea”.

at pano kung sabihin mong bakla ka? na hindi ka bisexual? tripper kuno. prrrft! kumakain ka ng titi at sarap na sarap ka! hindi ka pa nakakakantot ng babae sa buong buhay mo. nagawa mo man, pinilit mo lang para lang masabi na lalaki ka. <insert Spartan cheer here>. pero habol mo parin titi. titi! titi! <echoes>.



masaya ka?

4 comments:

  1. Oo Ate! Oo Ate! Puro Oo na lang Ate!

    *arty arty lang

    ReplyDelete
  2. Ahaha.

    Welcome, Seth. Just followed your blog din kanina lang. Good stuff you got there. :D

    ReplyDelete
  3. Kay sarap sibatin ng mga taong sinungaling at mapagpanggap. nitong nakaraan lang may nag-aya sa kin makipagkita... siya pa nagtakda ng oras at lugar ng pagtatagpo...


    tapos, last minute na text...


    "Hindi nga pala ako yung nasa picture. Sorry. Sana wag ka magalit..."

    Ano nga bang mapapala sa pagpapanggap? walang mabuting naidudulot ang kasinungalingan ito, maliban sa masibat ka ng todo.

    (just sharing. sensya, medyo nadala lang ako. haha!)

    ReplyDelete
  4. @Viktor: Lol. Diba parang magmumura ka na lang sa loob loob mo? Mas malala nga yang sayo kasi talagang ibang picture ang ginamit. At may tigas pang sabihin na sana wag kang magalit. Haha.

    ReplyDelete