Sunday, February 6

kainin mo ang katas ko


ating pagmuni-munihan ang ibig sabihin ng pamagat ng blog. ilang segundong katahimikan lamang...

...

sige, ikaw na lang. effort masyado. mahirap sa kadahilanang bakla man ako ay hindi ako bakla.

you: ano daw? pota niloloko mo ba kami?

me: hindi po. ka-miguel, basa...

sapagkat bakla ako ay hindi ibig sabihin na ganun akong klase ng bakla. im gay and i'm froud of it, yes. hindi ako takot na itago sa mundo na lalake ang gusto ko kahit may etits din ako. wala ako sa aparador. mabantot sa aparador, amoy alkampor at mga lumang damit ni lola. magkaganoon ma'y hindi ko iniisip na ako'y babae sa katawan ng lalake. ako'y lalake sa katawan ng lalake na gusto ang kapwa lalake. dala nito, ang aking pagiging bakla ay limitado lamang sa pagsabi ng echos kahit hindi ko alam masyado ang ibig sabihin. alam ko lang sinasabi yan ng mga bakla. at ako'y isang bakla. kaya... echos!

you: ang dami mong alam! eh ano naman ang katas ng echos?

me: ang katas ng echos ay ang katas ng aking pag-iisip patungkol sa mga nangyayari sa aking buhay. oo, ako ay may isip. at oo, ako ay may buhay. ako ay isang bente-dos anyos na binata, nagtatrabaho, naghahanap ng ikaliligaya sa buhay. ako ay nabubuhay ng pang araw-araw sa mundong hindi masyadong mabait sa mga taong katulad ko, kung ano man ako higit sa kasarian ko.

sa kabila ng lahat, ikinaliligaya ko ang pagkakaroon ng buhay. kaya't narito ang katas ko, iniaalay ko sa mga pinagtagpi-tagping salita galing sa aking binating isipan. naniniwala akong ang kaligayahan ay dapat i-alay sa kapwa ng ang mundo'y mas maging mapayapa, i thank you. bow.

kaya't kainin mo ang katas ko. namnamin mo ang mga salita at ang aking diwa sa iyong dila. huwag mong lunukin agad. lasapin mo. kung ayaw mo, luwain mo. kung nalunok mo na...

...mag-toothbrush ka na lang.

2 comments:

  1. Hi miguel. Welcome to the world of blogging! Sige magpakatas ka lang. Titikman namin haha.

    ReplyDelete
  2. Hahaha. Thank you. It's been years since I started blogging pero this time I wanted to create a more candid, gayer blog. I've been reading you and you actually inspired me to do this in Tagalog. Kudos to your blog nga pala! And thanks again.

    ReplyDelete