Saturday, February 12

Men are like coffee

The best ones are rich, hot and can keep you up all night.

Hindi ko na naaalala kung kalian ako huling gumimik. Last year pa ang alam ko, hindi ko alam kung anong buwan. Kaya naman naisipan ko na gumimik kagabi. Friday eh, tapos sabi ng boss ko featured daw sa BED and music ng Burlesque.  Swak! Gustong gusto ko yung pelikula! Tapos hindi na rin ako napunta ng BED since… 2007 O.O

Ayan! Tawag sa kaibigan. May pasok. Pakshet!

Plan B. Bath house? Noooooooooooooooooooooooooo.

Plan C. Go solo. Hihihi!

Kumain ng dinner sa Ayala Triangle Gardens pagkatapos ng concert. Nainlab kay Trish Amper nung kinanta nya isa sa mga favorite Broadway songs ko, Think of Me, Phantom of the Opera. Anyway, dinner =  Yummeh!

Segue sa isang kwento…

Nakita ko sa concert isang guy na perfect sa description ko ng ideal guy, at least physically. Matipono, hindi masyadong bato-bato pero may laman. Ganda ng chest, walang tiyan. Moreno at may stubbles. Mejo malapad ang noo, kasing tangkad ko (at may katangkaran ako). At higit sa lahat, piercing kung makatingin. Haaay… Ang kanyang mga tingin… Makalaglag brip. Kung siguro nagbabra ako, na-unhook na mag-isa.

Ayan, tapos na concert! Tingin ulit. Tumayo at naglakad lakad habang nagliligawan kami ng tingin. Nagkakahiyaan. Nakatayo lang ako, naglakad paikot sakin, mga 3-meter radius.Tingin, lakad, tingin.

Lumapit kaibigan ko: You’re working, this is not the time for this.

Pak.

At ayun… naglakad na sya paalis. Natorpe kasi ako. Torpe din naman sya… pero… sana kung pretend business transaction at binigay ko yung business card ko, pwede naman, diba. Haha.

Iniskan ko ulit ang lugar baka magpakita ulit. Lost.

Dibale. Sa Monday may concert si Karylle. Haha.

Balik sa kwento…

Pagkatapos kumain, bumalik sa office mag-isa. Naglabas ng saloobin. Ambaho!

Pagod ng kaunti dahil nagsimula ang araw ko na may migraine (mindgrain sabi ng pinsan ko). May Starbucks sa tapat. Guatemala on brew, sakto bold. Short lang para isang lagukan lang. Ayaw ko naglalakad na may dala-dalang cup. Very hoity-toity. Breve please? *Flashes sweetest smile para sa libreng gatas* (Nalilito ako. Minsan libre, minsan hindi. Anuberrr.)

Umupo sa hagyan ng Starbucks kasi walang upuan sa labas. Yosi. Tingin sa oras. 9.00 PM

Para ng cab, “Malate po, sa kanto ng Orosa tsaka Nakpil” Aba! Memorized ko yung address. P77.50 later (at ang sukli sakin ni manong ay P21! Dabest! May pisong extra! I lab you manong!)

Pumasok ng BED. Aba aba aba! Libre! Free entrance, wala nga lang beer. Okay lang, e di bumili ng beer.

Pagkapasok sa loob BAAAAAAAAAM!!! Nakakahilo ang dami ng hangin na sumasayaw. Punyeyta! Ako lang mag-isa.

Hello sir!” Sabi ng isang kuya.

“Uh.. anong oras nagdadatingan ang mga tao?” tanong ko

“Ah mga 2 po marami na yan”

Pagtingin ko sa relo 9.30. Nagmura ulit sa loob loob ko. Excited kasi masyado. Tinour ako ni kuya, saying hindi ka sama sa tour ang katawan nya. Anyways, beer at umupo sa bar sa smoking area at kunyaring nanood kay Kylie Minogue. Yosi. Pagkaubos ng beer, isa pa ulit. Yosi.

Nakipagkwentuhan kay kuya bartender. “Kelan pa to ganito? Nasunog daw to? Yada yada yada.”
Matapos ang ten thousand years, nagsidatingan na ang mga diyosa. Maraming babae… sandali… straight club na ba itoooo? Noooooooooo.

Hindi ko pa gusto ang music kaya umupo lang ako sa may U lounge(?)

Pagkatapos ng ilan pang oras, nanjan na at nagsasayawan na. By this time, naka 4 na yata ako na red horse. Tipsy mode.

Biglang may wafu na umupo at nakataas pa ang paa. Kumportable ah! Tinry ko tingnan ang mukha nya ng maigi sa kung ano man ang liwanag na mabibigay ng tugsh tugsh na ilaw. Wafuuuuuuuuuuuuuuuuu. Shet I have to make my move. Pano to? Hari ng torpe pa naman ako. Ah basta kaya ko to… kunyari magsisiar at walang mapagiiwanan na beer.

Excuse me. Will you keep watch of my beer until I get back from the restroom?” English. For full effect.

Sure. Put it there” Sabay turo sa tabi nya.

Pagkabalik ko, kinuha ko yung beer at dun na naupo sa kinalalagyan. Sa tabi nya. Sweeet. May ganung style pala ako hindi ko alam hanggang kagabi lang.

Nag-attempt na akong magsimula ng awkward conversation. Tipong anong pangalan mo o do you come here often at mga ganung anik anik. Hambangoooooo! Haha. Kakaadik ang amoy kaya lapit naman ako. Maputi, matangkad, may maskels, wafu AT nakaitim na vneck. May fetish yata ako sa itim na vneck shirts.

To make long story short, we kissed. Dampa sa labi with a 2-second action kiss. Hindi torrid na ten years katagal. It was actually a really sweet kiss. Something you would give your lover. Naks. At hindi na ako nagpumilit ng mas mahabang kiss. Anything more aggressive would have ruined the moment.

Tapos punta sya sa restroom after a while. Nung pagtayo, may isa naman na lalaki na nakatingin sakin. Shet, mas mahaba pa ang buhok ko Rapunzel na ikaw, oo ikaw, natatapakan mo ang bangs ko! Ngumiti. Hihihi. Cute! Singkit singkitan at preppy-preppyhan. I like! Eh di ngiti din tapos taas ng beer for a virtual toast.

Ayan balik na si A. (si black, vneck shirted guy). Maaga daw syang uuwi kasi takas lang. Hiningi ko number… sabi nya sya na daw kukuha number ko. Pak.

Hindi na ako aasa.

Sinave nya yung number ko pero… hindi na ako aasa. Maya maya nagpaalam na sya, hinay hinay lang daw ako sa beer. “Yuuuuuuuuuup.” Sabi ko. Tumayo at nilapit sakin ang labi nya. Kiss goodbye. Fuck, I like how this guy kiss. Hindi bastos. Hindi kadiri. Passionate. Fuckin’ perfect. Bye… hindi ako aasa… pero sana tumawag kang leche ka.

Ayan. Patuloy ang pagiisa. Sumilip sa baba tapos nagpa-tugsh tugsh ng ulo. Sayaw sayaw ng pa-V. Nanjan na itong si singkit. Ang cute ng ngiti pramis. Nakipagkwentuhan ng konti. Uy! Maya maya anjan naman yung kiss nya! Sheeeet. Sabay sheepish na ngiti. Shet napaka pokpok ko. He was on my left side. Sa right side naman may nakikipag kwentuhan din sakin. Cute din! Pero hindi ko masyadong type. Hindi ko alam kung bakit. Cute naman din, ang cute din ng ngiti. Hindi ko lang alam kung bakit hindi ko type. Aha basta… balik kay singkit. Isa pang kiss. Tapos he tapped my ass and said aalis na sila.

Okay. Babay.

No numbers, no nothing. Just smiles and good times.

And some saliva.

Nakisabay ako pabalik ng Makati sun sa cute na nasa kanan ko. Okay. Drop off and waved bye bye.

Nakauwi ako ng bahay mga 5 o 5.30.


I saw hundreds of very attractive men last night. 2 of whom I kissed.
One of them I wish would call… and make me forget about the other hundred men.



PS. Alam kong walang relate masyado ang title. Trip lang.

PS. Ulit. Sa marami, walang kwenta ang kwento ko... kasi mas extreme na nagawa nyo siguro. Pero sakin na demure at virgin (weh?!) this means something to me. I'm coming out if my shell. I'm gaining confidence. I no longer want to be the guy who dances in the corner and let everybody else have their fun on the stage. I no longer want to be a wallflower. I am a pretty good find. It's time I start believing that.



Yeeeeeeeeeeeeeeeaaaheaaaaaaaaayeahhhhaeahh!
-          Chrisina Aguilera, Burlesque

4 comments:

  1. Hahaha buti ka pa ^^ Di talaga ako pang bar scene eh

    ReplyDelete
  2. Lol. Ako naman hindi pang online. Hindi ako photogenic. Haha.

    ReplyDelete
  3. wow miguel, ang benta mo haha! kissable lips ka pala hehe.

    ReplyDelete
  4. Haha! Hindi din. Madilim lang kasi. Hahaha.

    ReplyDelete